Patay ang isang 35 anyos na magsasaka matapos ma-hit-and-run ng isang ambulansya sa bayan ng Tagudin, Ilocos Sur.
Ayon sa Hepe ng Tagudin MPS na si Police Maj. Omar David, patawid na ng ang biktima na hindi pinangalanan nang mabangga siya ng ambulansiya, ngunit hindi hinintuan ng driver ang biktima.
Naisugod naman agad sa ospital ang biktima, ngunit kalaunan ay binawin na rin ito ng buhay habang ginagamot dahil napuruhan ito sa ulo.
Sa tulong ng mga testigo, natunton at nakilala ang driver ng ambulansya, na mula at pagmamay-ari ng Lokal na Pamahalaan ng Sta. Maria.
Samantala, inamin naman ng driver sa otoridad hindi niya umano hinintuan ang biktima dahil sa takot.
Nakakulong ngayon sa Tagudin Police Station ang driver na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide. —sa panulat ni Mara Valle