Nasawi ang isang magsasaka sa Davao de Oro matapos itong matuklaw ng isang ahas na “banakon” o King Cobra.
Kinilala ang biktima na si Rodrigo Ugay Dijos.
Nakunan pa ang biktima ng litrato na hawak-hawak ang Cobra na napatay niya, pero natuklaw na pala siya sa kanyang likod at mukha.
Ayon kay Barangay Kagawad Barry gina Labrigas, habang pauwi na ng bahay bumaba sa motorsiklo si Dijos na angkas ng isang motorsiklo nang makita ang grupo ng kalalakihan na pinagtutulungang hulihin at patayin ang isang Cobra kung kaya bumaba ito upang tumulong sa pag huli.
Dinala si dijos sa isang albularyo ngunit, nawalan na siya ng malay at tuluyan nang binawian ng buhay. —sa panulat ni Mara Valle