Patay ang isang magsasaka matapos barilin ng isang kapitan sa Lanawan, Pastrana, Leyte.
Ayon sa otoridad, ang suspek at biktima ay may matagal nang alitan dahil sa lupa na sinasaka ng mga ito.
Ayon pa sa ulat, duguan na ng nakita nila ang biktima at naliligo naman sa sarili nitong dugo ang kanyang ama .
Bago nito, nagsasasaka ang biktima malapit sa lupain ng suspek, nagalit umano ang suspek at binaril ang biktima at ama nito na sinubukang tulungan ang kanyang anak.
Dead on arival na sa ospital ang biktima habang nagpapagaling naman ang ama nito.
Nakatakas naman ang suspek gamit ang motorsiklo at kasalukuyang tinutugis.—sa panulat ni Rex Espiritu