Arestado ang isang magsasaka matapos mahuling nagbebenta ng Taklobo o Giant clams sa Barangay Bongoyan, Cebu.
Kinilala ang suspek na si Anecito Pogado, 46-anyos, residente ng Barangay Bongoyan.
Ayon kay CIDG-LCFU, Captain Nigel Sanoy, nagkakahalaga ng P15-K bawat isa ang Taklobo sa ibang bansa.
Kinokonsiderang endangered species o nanganganib na maubos ang giant clams.
Isinailalim aniya sa monitoring ang suspek matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa lantarang pagbebenta.
Lumabag sa batas si Pogado at nahaharap sa kasong Republic Act 8550 o Philippine Fisheries Code of 1998 as amended by RA 10654 kung saan, mahigpit na ipinagbabawal na kumuha at magbenta ng anumang uri ng endangered species. —sa panulat ni Jenn Patrolla