Kumpiyansa si Veteran boxing analyst Atty. Ed Tolentino na magtatagumpay sa kanyang first title defense para sa WBC World Featherweight Champion si Mark Magsayo laban kay Rey Vargas na gaganapin sa Alamodome San Antonio, Texas, USA ngayong darating na Linggo, July 10, 2022.
Prediksyon ni Tolentino, magiging 50-50 ang laban na ito dahil magaling din aniya na boksingero si Vargas na isang Undefeated former World Champion.
Pero mayroon aniyang kalamangan dito si Magsayo dahil sa maraming kahinaan si vargas kaya naman maaring magkaroon ng mga knockdonws sa mga unang round ng laban.
Naniniwala ang Veteran Boxing Analyst na mas mabilis at mas malakas si Magsayo.
Kailangan lamang aniya na magawa nito ng tama ang kanilang game plan at maging mapagpasensya hanggang sa mahuli ang kahinaan ni Vargas.
Tiwala din si Tolentino na hindi aabutin ng 12rounds ang labang ito at posibleng mapabagsak ni Magsayo si Vargas pagdating ng eight rounds.