Aabot sa labing siyam (19) na bayan sa lalawigan ng Maguindanao habang labing pitong (17) barangay naman sa lungsod ng Cotabato ang lubog ngayon sa tubig baha.
Bunsod ito ng pag-apaw ng Rio Grande de Mindanao dulot ng walang tigil na pag-ulang hatid ng ITCZ o Inter-Tropical Convergence Zone sa nasabing rehiyon.
Batay sa pagtaya ng pamahalaang panlalawigan, aabot sa dalawandaang libong (200,000) pamilya o mahigit apatnapu’t limang libong (45,000) indibiduwal ang apektado ng nasabing pagbaha sa Maguindanao.
Habang nasa mahigit labindalawang libong (12,000) pamilya naman ang apektado mula sa labing pitong (17) barangay sa Cotabato City na siyang dahilan para magsagawa ng rescue operations ang lokal na pamahalaan sa lugar.
By Jaymark Dagala
Maguindanao at karatig lugar lubog sa baha bunsod ng mga pag-ulan was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882