Ginulantang ng malakas na pagsabog ang Maguindanao mag a-alas nueve (9) kaninang umaga.
Ipinabatid ni Maguindanao Police Provincial Director Senior Superintendent Agustin Tello na isang IED o Improvised Explosive Device ang sumabog sa gilid ng national highway sa Barangay Kauram sa bayan ng Ampatuan.
Walang nasugatan sa nasabing pagsabog na nagdulot ng takot sa mga sibilyan.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nasabing pagsabog na pinaniniwalaang posibleng kagagawan ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
By Judith Estrada – Larino