Umapela ng tulong sa national government si Maguindanao Governor Toto Mangudadatu sa harap ng paglubog sa baha ng ilang bayan sa Maguindanao.
Ayon kay Mangudadatu, halos paubos na rin ang kanilang calamity fund dahil dumanas rin ng matinding tagtuyot ang Maguindanao sa mga nagdaang buwan.
Hindi pa man anya nakakabangon ang mga nasalanta ng tagtuyot, ay nagbabanta na naman ang La Niña.
Federalism
Umaasa si Maguindanao Governor Toto Mangudadatu na maisasabatas ang BBL o Bangsamoro Basic Law sa ilalim ng Duterte administration.
Pahayag ito mangudadatu sa harap ng di umano’y isusulong na federalismo ng Duterte administration.
Ayon kay Mangudadatu, maganda naman ang mga probisyon ng BBL na puwedeng maging paunang hakbang tungo sa pederalismo.
Bahagi ng pahayag ni Maguindanao Governor Toto Mangudadatu
By Len Aguirre | Ratsada Balita