Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Maguindanao.
Ito’y dahil sa naranasang baha na nagpalubog sa mahigit 100 barangay at sa hindi bababang 13 munisipalidad.
Ayon kay Maguindanao Vice Governor Bai Ainee Sinsuat, inirekomenda ang naturang deklarasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO).
Sinabi ni Sinsuat na nasa 105 na barangay mula sa mahigit 500 barangay sa Maguindanao ang naapektuhan ng baha.
Pumalo naman sa 46,922 na pamilya o 234,610 na indibidwal sa 36 na bayan ang nawalan ng tirahan.
Samantala, anim na bayan ang una nang isinailalim ng kanilang mga opisyal sa state of calamity dahil sa paulit-ulit na pagbaha na dala ng malakas na pag-ulan mula noong huling linggo ng Hulyo at unang bahagi ng Agosto.