Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahatulan na ang ilan sa mga akusado sa Maguinadano Massacre ngayong taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Justice Prosecutor Panel na gawin ang lahat para makakuha ng partial resolution sa kaso.
Sinabi ni Roque, ibinaba ng Pangulo ang nasabing direktiba matapos makapulong ang binuong prosecution panel ng DOJ na humahawak sa Maguindanao Massacre case na walong taon nang dinidinig.
Batay sa impormasyon mula sa Korte Suprema, 103 akusado na lamang mula sa naunang 115 naarestong suspek sa kaso ang patuloy na nililitis kabilan ang itinuturong mastermind na si dating Datu Unsay Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr.
Ang Maguindanao Massacre, ang itinuturing na pinakamarahas na kaso ng pagpatay sa mga miyembro ng media sa kasaysayan ng bansa.