Lubos na ikinagalak ni Vice President Leni Robredo na nakamtan na ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang pinakaaasam na hustisya.
Ayon sa pangalawang pangulo, wala siyang ibang nakikitang mas nararapat na katapusan sa kasong ito na tinaguriang pinakamarahas na election related violence at pag atake sa mga mamamahayag sa kasaysayan.
Hindi man aniya naging madali ang proseso at mabagal man ang usad ng kaso, ang hatol na ito ay nagbibigay sa bawat isa ng pag-asa na posible pa ring makamit ang katarungan sa ilalim ng ating justice system.
Binigyang diin pa ni Robredo na paalala rin ito na ang lahat kasalanan ay may panahon din ng pananagutan dahil ang batas at katarungan ay walang pinipiling pangaln kahit pa ang mga nasa kapangyarihan.
Sa huli, sinabi ng pangalawang pangulo na masalimuot man ang paghihintay, ngayong araw ay nasa panig ng tama at matuwid ang tagumpay.
Nakikiisa si Robredo sa mga mahal sa buhay ng mga biktima ng Maguindanao massacre at sa buong sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng makasaysayang hatol na ito.