Sa kauna-unahang pagkakataon ay isang babae ang nakatakdang umupo bilang bagong gobernador ng Maguindanao.
Ito’y sa katauhan ni Bai Mariam Lim Sangki-Mangudadatu na asawa ni outgoing Sultan Kudarat Province First District Rep. Suharto “teng” mangudadatu.
Nanalo rin sa pagka-gobernador ng Sultan Kudarat ang kongresista kaya’t sila rin ang kauna-unahang mag-asawang gobernador sa Central Mindanao na mamumuno sa magkahiwalay na probinsya.
Si Bai Mariam ay tumakbo sa ilalim ng nacionalista party at nakakuha ng 251,773 votes laban sa pinsa ng kanyang asawa na si Datu Freddie Mangudadatu na nakakuha ng 192,252.
Si Datu Freddie ang kapatid ni outgoing Maguindanao Governor Toto Mangudadatu na tumakbo naman sa pagka-kongresista.