Pursigido ang mga magulang ni Christine Mae De Guzman ang 11 anyos na batang namatay makaraang turukan ng anti-Dengue vaccine na Dengvaxia na magsampa ng kaukulamng kaso laban sa mga nasa likod ng Dengue Immunization Program
Ayon sa mag-asawang Nelson at Marivic de Guzman, nais nilang papanagutin ang mga may sala na siyang sanhi ng pagkamatay ng kanilang anak kaya’t nagpasaklolo sila sa PAO o Public Attorney’s Office
Dagdag ng mag-asawa, hindi nila akalain na magiging dahilan ng pagkawala ni Christine Mae ang bakunang libreng itinurok sa kaniya sa pag-asang mabibigyan ito ng proteksyon kontra sa nakamamatay na sakit
Ikinuwento pa ng mag-asawang De Guzman, maliban sa ubo at sipon na normal na karamdaman ng mga bata, hindi pa kailanman nagtamo ng malalang sakit ang kanilang anak na si Christine Mae kaya’t sobrang sakit para sa kanila ang sinapit ng kanilang unica Hija.