Sumugod sa tanggapan ng DOJ o Department of Justice ang nasa 40 mga magulang ng mga batang nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia.
Ito ay upang ipanawagan ang hustisya para sa kanilang mga nasawing anak kasabay ng muling pagdinig ng DOJ sa kasong isinampa ng PAO o Public Attorney’s Office hinggil sa ipinatupad na Dengue Immunization Program ng Department of Health.
Bukod dito, hinikayat din ng mga ito ang iba pang mga magulang ng mga batang nabakunahan ng dengvaxia na lumantad na at makiisa sa kanilang laban.
Ipinanawagan din ng nabanggit na grupo ng mga magulang ang pagbibitiw sa pwesto ni Health Secretary Francisco Duque III dahil sa kabiguan umano nito na tulungan ang mga batang naturukan ng dengvaxia.
(with report from Bert Mozo)