Nanawagan sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga magulang ng 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity, na akusado sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo na manatili sa kanilang kustodiya ang kanilang mga anak.
Sa kanilang liham sa NBI , sinabi ng mga magulang na ayaw nilang mailipat sa kustodiya ng Manila Police District ang kanilang mga anak dahil hindi umano sila ligtas duon.
Paliwanag ng mga ito, isa ang MPD sa mga complainants sa kasong isinampa laban sa kanilang mga anak.
Matatandaang nuong nakalipas na Biyernes ay sumuko sa NBI sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Ralph Trangia, Robin Ramos, Jose Miguel Salamat, Danielle Hans Matthew Rodrigo at Macelino Bagtang.
-Bert Mozo