Nakatakdang imbestigahan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pagkamatay ng panibagong biktima ng hazing na si Horacio Tomas “atio” Castillo III bukas, Setyembre 25.
Sa panayam ng programang “Usapang Senado sa DWIZ”, sinabi ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng komite na layon nitong mabigyang linaw ang mga nangyari kay Atio sa kamay ng kaniyang sinalihang fraternity na Aegis Juris sa UST.
Inaasahan ding maghaharap sa naturang pagdinig ang mga magulang ni Atio na sina Horacio Jr at Carmina gayundin ang mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris na siyang itinuturong sangkot sa pagkamatay ng 22 anyos na law student
Dagdag pa ni Lacson, magsisilbing daan ang nasabing pagdinig upang repasuhin ang umiiral na anti-hazing law at mabigyan ito ng pangil para mapanagot ang sinumang masasangkot sa hazing.
SMW: RPE