Napag-alaman lamang ng magulang ng 14 taong gulang na si Reynaldo de Guzman alyas Kulot ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanilang anak sa isang Facebook post.
Agad naman nitong pinuntahan ang morgue na nasa Facebook post at kinumpirmang anak nila ang nakaratay na bangkay.
Ang labi ng 14 taong gulang na binatilyo ay natagpuang palutang-lutang sa isang creek sa Gapan, Nueva Ecija.
Ayon sa otoridad, nakabalot ang ulo ni De Guzman ng packaging tape at nagtamo ng tatlumpung (30) saksak sa buong katawan.
Si De Guzman ay ang sinasabing nakitang huling nakasama ni Carl Angelo Arnaiz noong araw na napatay ang 19 taong gulang na binata sa Cainta, Rizal.
Lumitaw ang bangkay ni alyas Kulot sa Gapan, Nueva Ecija, siyam na araw matapos na matagpuan ang labi ni Carl.
CHR kumilos na kasunod ng pagkamatay ni Reynaldo de Guzman
Nagpadala na ng mag-iimbestiga at forensic team ang CHR o Commission on Human Rights sa Nueva Ecija.
Ito ay para imbestigahan ang pagkamatay ng 14 taong gulang na si Reynaldo de Guzman o alyas Kulot.
Ayon kay CHR Commissioner Chito Gascon, bibigyan nila ng oras ang kanilang investigative at forensic team para makapagsumite ng report kaugnay sa insidente.