Posibleng itakda na ng Commission on Elections (Comelec) sa Miyerkules, Mayo 18 ang proclamation para sa 12 magwawaging senador.
Ayon kay Comelec commissioner George Garcia, ito ay kung tagumpay na dumating ngayong araw ang mga balota mula sa Hong Kong na kasalukuyang nakakaranas ng COVID-19 surge.
Sa Huwebes, Mayo 19 naman posibleng ihayag ng Comelec ang mga nagwaging party-list groups.
Una nang sinabi ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco na magiging hiwalay ang proklamasyon ng senators at party-list bilang pag-iingat sa COVID-19.
Batay sa partial at official canvassing results nitong Biyernes, nangunguna pa rin ang aktor na si Robin Padilla sa 2022 senatorial elections.
Habang siyam na party-list groups ang inaasahang uupo sa House of Representatives batay naman sa official tally noong Huwebes.