Makakaranas ng mahaba-habang brown out ang ilang bahagi ng Isabela, Ifugao at buong lalawigan ng Quirino sa Miyerkules, March 8.
Sa ipinalabas na advisory ng National Grid Corporation of the Philippines, sampung oras na mawawalan ng supply ng kuryente ang mga residente sa nabanggit na mga lalawigan dahil may gagawing corrective maintenance activity.
Ayon sa NGCP, magsisimula ang power outage alas 8:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.
Ang mga transmission lines na maapektuhan ng kawalan ng supply ng kuryente ay ilang bahagi ng Iselco, Ifelco at ang buong Quirelco.
By: Aileen Taliping