Isinusulong ni Senador Francis Pangilinan ang mas mahabang Paternity Leave para sa mga mister ng mga manganganak na misis.
Sa ilalim ng panukala ni Pangilinan, nais nitong maamyendahan ang Republic Act Number 8187 o ang “paternity leave act of 1996” kung saan mula sa kasalukuyang 7 araw na paternity leave ay gawin itong 30 araw.
Sinabi ni Pangilinan na layon nito na mabigyan ang mga ama ng mas mahabang pagkakataon na maalagaan ang kanilang anak at ang asawang bagong panganak.
Sakop ng panukala ang lahat ng kasal na Male employees sa pampubliko at pribadong sektor
By: Meann Tanbio