Dusa ang dinanas ng mga mananakay ng Metro Rail Transit o MRT-3 dahil sa mahahabang pila sa bawat istasyon ng tren.
Nag-ugat ito sa kakaunting tren na bumiyahe ngayong umaga.
Napag-alaman sa pamunuan ng MRT-3 na labing isang (11) tren lamang ang bumibiyahe dahil marami sa mga ito ang depektibo kaya’t hindi na lamang pinabiyahe.
Gayunman, wala naman umanong nangyaring pagbaba o unloading ng mga pasahero dahil naagapan na ang problema at hindi na pinabiyahe ang mga tren.
Sitwasyon sa MRT-Taft Station as of 9:52am | via @iyusoncruz pic.twitter.com/ajV1UcMH5N
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 8, 2018
—-