Posibleng dahil sa mataas na presyo ng itlog ang dahilan kung bakit mahal at mababa ang produksiyon ng feeds sa bansa.
Ito ang inihayag ng Philippine Egg Board Association na dalawang linggo nang nagtaas ang presyo ng itlog sa merkado dahil sa mataas na demand nito ngayong Holiday season.
Nabatid na umabot na sa P10 ang itinaas sa presyo ng itlog bawat tray habang naglalaro naman sa P7 hanggang P10 ang kada isang piraso nito sa mga sari-sari store.
Bukod pa dito, iginiit ng asosasyon na isa rin sa dahilan ng kakulangan ng produksiyon ng feeds ay dahil sa maraming farm ang nagsara at nalugi partikular na sa Bulacan at Pampanga.
Sa kabila nito, naniniwala ang grupo, na magiging sapat pa rin ang suplay ng itlog bago matapos ang 2022.