Siyamnapung porsyento o siyam sa bawat 10 Filipino ang nagsabing mahalagang maaresto ng buhay ang mga drug suspect batay sa Social Weather Stations survey.
Kumpara ito sa 92 porsyento noong Marso.
Isinagawa ang survey sa 1200 respondent noong Hunyo 23 hanggang 26.
Animnapu’t walong porsyento naman ang nagsabing napakahalaga na mahuling buhay ang mga drug suspect habang 22 porsyento ang nagsabing kahit paano ay mahalaga.
Pinaka-marami ang sumang-ayon sa Metro Manila na 95 percent na sinundan ng Visayas, 90 percent, balance Luzon, 90 percent at Mindanao, 86 percent.