Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa pagbuo ng Bagong Pilipinas.
Ang pahayag ay ginawa ni PBBM sa oath-taking ceremony ng mga bagong opisyal ng Lady Local Legislators League of the Philippines o Four-L Phils.
Sa kanyang mensahe, pinuri ng pangulo ang Four-L Phils sa pagtataguyod ng karapatan ng kababaihang Pilipino, mga batang babae, at mga pamilya.
Kasabay nito, nanawagan din si PBBM ng pagkakaisa upang mapalawak ang partisipasyon ng mga ito sa lipunan at labanan ang diskriminasyon.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos ang mas pinalakas na pagpapatupad sa Magna Carta of Women sa lahat ng antas ng pamahalaan. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)