Tinututukan ngayon ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa rice supply chain.
Ito’y bunga ng hangarin nitong mapaigting pa ang Gender and Development (GAD) plans, budgeting, at utilization ng mga rice-related agencies.
Sa isang PCAF-commissioned study na may pamagat na “Enhancing Gender Outcomes of Different Rice-Related Agencies through Gender Analysis of Rice Supply Chain and Advocacies,” lumalabas na binabalikat na rin ng mga babae ang lumolobong papel nito sa pagtatanim ng palay.
Natuklasan din na mas abala ang mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan sa pagdating sa capital at seed sourcing sa pre-production.
Sa production segment na madalas iniaatang sa mga lalaki, lumitaw sa pag-aaral ng PCAF na mas marami na ring mga babae ang lumalahok sa transplanting habang pareho namang nakikiisa ang mga ito sa weeding.
Samantala, sinasabing dominado rin ng mga kababaihan ang postproduction activities tulad ng palay drying, milling, at marketing.
Binanggit naman sa pag-aaral ang umiiral na gender gap sa sektor na umaabot umano hanggang sa edukasyon at agricultural training.
Bukod dito, tinukoy din ang dalawang balakid para sa full participation ng mga babae sa agrikultura na kinabibilangan ng limited registration sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at unpaid domestic work.