Naging highlight sa isang webinar workshop ng Climate Change Commission (CCC) ang mahalagang papel ng kabataan para sa makabuluhan at napapanahong pagtugon sa climate change.
Ayon kay CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert Borje, ang event ay bahagi ng ika-15 taong paggunita sa “Global Warming & Climate Change Consciousness Week.”
Ang “Kaalamang Klima: Climate Change Webinar Workshop for the Youth” ay dinaluhan ng mga kabataang edad 18 hanggang 30 taong gulang kung saan layon nitong itaas ang kamalayan ng mga kabataan ukol sa climate science at himukin ang mga ito na gamitin ang angking kasanayan para sa epektibong pagtugon sa pabago-bagong klima.
Ang “Global Warming & Climate Change Consciousness Week” ay inoobserba naman tuwing Nobyembre 19 hanggang 25.