Prayoridad ng Senado sa susunod na taon ang pagdinig sa panukalang pagbuo ng kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund (MIF), National Center for Disease Prevention and Control at kauna-unahang virology Institute sa bansa.
Ito ang ibinunyag ni Senate majority floor leader Joel Villanueva kahapon.
Nitong kalagitnaan ng Disyembre unang inaprubahan ng kamara ang MIF bill sa pamamagitan ng 279 na boto.
Magiging prayoridad naman ng Senado maliban sa mga nabanggit ang panukalang pag-institutionalize ng National Employment Recovery Strategy at Medical Reserve Corps.