Lusot na sa ikatlo’t huling pagbasa sa senado ang Senate Bill 2020 na lilikha sa Maharlika Investment Fund (MIF)
Inaprubahan sa botong 19-1-1 ng mga senador ang nasabing panukala dakong 12:30 am matapos ang halos 12 hours na debate sa plenaryo at sertipikahan bilang urgent.
Tumutol sa panukala si Senador Risa Hontiveros habang nag-abstain si Senador Nancy Binay habang wala sa botohan sina Senators Imee Marcos, Chiz Escudero at Koko Pimentel.
Sa inaprubahang bersyon, tinanggal ang probisyon na nagpapahintulot sa mga government financial institutions at government owned and controlled corporations na mag-invest sa MIF Bill.
Ito’y sa kabila ng mga mosyon nina Senators Ronald Dela Rosa, Raffy Tulfo at Pia Cayetano na amyendahan at ilagay ang probisyon na titiyak na hindi magagalaw ang pension funds ng mga government at private sector employees.
Nakasaad sa probisyon ang phrase o kataga na ipagbabawal ang pag-i-invest ng G.S.I.S., S.S.S.., PhilHealth, OWWA, PVAO at Pag-ibig sa M.I.F., mandatory man ito o boluntaryo.
Samantala, magsasagawa ng BI-CAM Conference Committee meeting mamayang 11 a.m. kung saan magiging kinatawan ng BI- CAM panel sina Senators Mark Villar, Pia Cayetano, Bato Dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Francis Tolentino, Alan Peter Cayetano at Pimentel sa panig ng senado.