Dapat pag-isipang maigi ang isinusulong na panukalang Maharlika o Sovereign Wealth Fund sa halip na madaliin itong ipasa sa Kongreso.
Aminado si Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na marami pang dapat talakayin kaugnay sa nasabing panukala, partikular ang paghuhugutan nitong pondo.
Ayon kay Dy, sadyang malaki ang maitutulong ng Sovereign Wealth Fund pero dapat bigyang-pansin ang “financial capacity” ng bansa.
Kung mayroon anyang surplus o sobrang pondo ay hindi naman imposibleng umusad ang SWF subalit dahil sa economic situation, lalo ang lumolobong utang ng bansa ay dapat mag-isip ng remedyo ang nagsusulong nito.