Binigyang diin ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na magiging fully operational na ang maharlika investment fund sa bansa bago matapos ang taong 2023.
Ito’y matapos aprubahan ng kongreso ang pinagtibay na bersyon ng senado sa bicameral meeting na nakatakda namang aprubahan at pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bago ang kanyang ikalawang state of the nation address sa Hulyo 24.
Ayon kay Diokno, sakaling maisabatas ang MIF, agad na ilalatag ang mga implementing rules and regulations, kasabay ng paghahanap ng mga opisyal na itatalaga sa Maharlika Investment Corporation.
Iginiit ng kalihim na ang Maharlika Investment Fund bill ang magpapanatili ng transparency, accountability, fund integrity, at mas matatag na risk management sa bansa.