Tinawag na armas ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang Maharlika Investment Fund para sa mass development.
Ayon sa mambabatas, ang Pilipinas na lamang ang major ASEAN economy na walang sovereign wealth fund bago ipanukala ang MIF.
Sinabi rin ng House Tax Chief na limitado ang investment options sa domestic capital market bagamat mayroong cash-rich na corporate sector at highly liquid na financial sector ang bansa.
Pagbabahagi pa ng mambabatas na ilang kilalang investment funds na ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa mif.
Halimbawa nito ang temasek ng Singapore at Japan bank for international cooperation.
Inaasahan na malalagdaan na ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang MIF Bill bago ang kaniyang ikalawang State of the Nation Address sa July 24.