Nilinaw ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng maharlika investment fund.
Ito’y matapos maglabas ang pamahalaan ng memorandum na naglalayong suspendihin ang MIF Upang pagaralan nang maigi ni Pangulong Marcos Jr. Ang implementing rules and regulations ng batas.
Ayon kay P.B.B.M., naghahanap lamang ang pamahalaan ng paraan upang maging “Perfect” O tama sa naturang batas.
Patuloy din anya ang kanilang pakikipag-ugnayan at kinokosulta ang mga economic manager at mga personalidad na may kinalaman sa MIF.
Gayunman, nakatakda pa ring matuloy ang implementasyon ng MIF bago matapos ang 2023.