Suportado ng ilang kongresista ang panukalang MIF o Maharlika Investment Fund.
Naniniwala ang mga kongresista na malaki ang maitutulong ng MIF para madagdagan ang kita ng gobyerno na magagamit sa serbisyo publiko.
Sinabi ni House Deputy speaker Aurelio Dong Gonzales, Jr. na suportado niya ang nasabing panukala ni House Speaker Martin Romualdez para kumita ng mas malaki ang mga nakatabing pondo.
Ayon naman kay San Jose Del Monte City Representative Florida “Rida” Robes, walang dapat ikatakot sa nasabing pondo dahil may iniligay na safeguards upang masigurong hindi ito maaabuso at magagamit sa korupsyon.
Inihayag din ni Quezon Representative Mark Enverga na kailangan ng bansa ang MIF para mapondohan ang pangangailangan ng bansa.
Kapwa suportado rin nina congressmen Eleandro Jesus Madrona at Marvin Rillo ang MIF dahil maraming magagandang bagay anila ang makukuha ng Pilipinas sa Sovereign Wealth Fund na ginagamit sa halos 50 bansa.