Umabot sa higit 1.2-M ang lumagda sa online petition para muling makapagsahimpapawid ang ABS-CBN.
Sa online petition na binuo umano ng mga empleyado ng network, nakasaad ang apela nito sa Kamara na ipasa ang panukalang renewal ng prankisa ng ABS-CBN dahil sa libo-libong kabuhayan umano ang maaapektuhan.
Una nang ipinabatid ng pamunuan ng network na maaari silang magpatupad ng retrenchment sa Agosto kapag hindi pa sila agad nakabalik sa ere.
Maliban dito, nabatid na balak rin ng mga empleyado ng network na maghain ng petisyon sa Korte Suprema bilang intervention sa hinihinging temporary restraining order ng ABS-CBN laban sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission.
Kasabay nito nagpasalamat si Raul De Asis, Pangulo ng ABS-CBN Supervisors’ Union sa mga sumusuporta sa network.