Umabot na sa mahigit 1,300 pamilya o nasa 4,000 katao na ang apektado ng Bagyong Florita sa Northern Luzon.
Ito ang kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo, kanina.
Ayon kay NDRRMC spokesman Mark Timbal, karamihan sa mga naapektuhan ay mula sa Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Regions.
Nagdulot din anya ng landslides at flashfloods ang malakas na pag-ulan sa mga nasabing rehiyon, maging sa Bicol.
Samantala, inaalam pa ng NDRRMC ang halaga ng mga napinsalang imprastraktura at agrikultura.