Umabot na sa mahigit 1.5 milyong health care workers, senior citizens, at immunocompromised individuals o mga may comorbidities ang nakatanggap na ng kanilang second booster dose.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, nasa 71.9 milyong pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 hanggang nitong August 8.
Sa naturang bilang, mahigit 9.7 milyon ang adolescents na nabigyan ng bakuna at 4.2 milyon naman ang mga bata.
Nasa 16.6 milyon naman ang nabigyan na ng unang booster shot.
Kaugnay nito, hinimok ni Vergeire ang mga magulang at guardians na pabakunahan na ang mga bata lalo’t dalawang linggo na lamang bago ang pagbubukas ng klase.