Ipinagmalaki ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na aabot sa mahigit 1.5 million mag-aaral ang napagsilbihan ng Libreng Sakay Program.
Ayon sa LRTA mula Agosto 2022 nagsimula ang programa hanggang nitong Nobyembre 3.
Layunin nitong matulungan ang mga estudyante at magulang na apektado ng Covid-19 pandemic at walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Muling hinihikayat ng LRTA ang mga mag-aaral na samantalahin ang Libreng Sakay hanggang ngayong araw, November 5.
Patuloy pa ring makakakuha ng 20% discount ang mga mag-aaral basta’t ipakita lamang ang I.D o proof of enrollment. —sa panulat ni Jenn Patrolla