Aabot sa 1.1 milyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Marikina City Police Station mula sa dalawang suspek.
Kinilala ang mga suspek na sina Marlon Taggueg, 36-anyos at Joemark Garcia, 29-anyos na nahuli isinagawang Buy-bust Operation Sa No. 302 Gold St., Minahan Interior, Brgy. Malanday, Marikina City.
Nakuha mula sa dalawa ang 155 gramo ng pinaniniwalaang shabu kasama ng buy-bust money.
Nahaharap ngayon sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga inarestong suspek.—sa panulat ni Angelica Doctolero