Nadaragdagan pa ang mga paaralan na lumilipat sa Alternative Delivery Mode (ADM) dahil sa matinding init ng panahon.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education kahapon, aabot na sa 4,000 eskwelahan na sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang nagpatupad ng ADM.
Kaugnay nito, pumalo naman sa 1.3 million ang mga mag-aaral ang apektado ng pagsuspinde ng face-to-face classes.
Nabatid na pinayagan ng nasabing departamento ang mga opisyal ng paraalan na magpasya kung kinakailangan nitong lumipat sa ADM dahil sa nakakapasong init ng panahon.- sa panunulat ni Katrina Gonzales