Nagsanib puwersa ang iba’t-ibang grupo upang bigyang ayuda ang mga residente sa Metro Manila na lubhang apektado ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Pinangunahan ng Caritas Manila ang paglikom ng nasa P1.5-B donasyon upang gawing grocery vouchers na ipamamahagi sa mga mahihirap sa ilalim ng Project Damayan.
Ayon kay Fr. Anton Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, target nilang mabigyan ang nasa 1-M pamilya ng grocery vouchers na nagkakahalaga ng P1,000.
Katuwang nito ang Philippine Disaster Resilience Foundation at ang iba’t-ibang Business Community na nag-ambag para sa nasabing pondo na layong tulungan ang mas nakararaming pamilyang Pinoy.