Dumating na sa Pilipinas kagabi ang nasa 1,320,000 doses ng reformulated Pfizer covid-19 vaccines.
Para ito sa pagbabakuna sa mga kabataang edad 5 hanggang 11.
Ayon sa National Task Force against Covid-19, dakong alas-8 kagabi dumating ang mga bakuna.
Bago ito, unang dumating nitong Biyernes sa bansa ang nasa 1,800,000 doses ng Pfizer vaccines.
Nitong Pebrero a-7 nagsimula ang pagbabakuna sa Pilipinas para sa nasabing age group. —sa panulat ni Abby Malanday