Nakatakda nang selyuhan ang nasa 200 milyong dolyar o mahigit sampung bilyong pisong loan agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Gagamitin ang pondo para sa road network development project sa mga conflict area sa Mindanao.
Noong Linggo, Pebrero 10 sana lalagdaan ang kasunduan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin at Japanese Foreign Minister Taro Kono sa Marco Polo Hotel, Davao City subalit hindi natuloy.
Ang loan agreement ay ipatutupad sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency.