Naglaan ng mahigit sampung bilyong pisong pondo ang gobyerno para sa emergency repatriation ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan.
Ito ang sinabi ni Senator Jinggoy Estrada sa gitna ng pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian, sa kapalaran ng mahigit dalawandaang libong migranteng manggagawa sa East Asia.
Ayon kay Senator Estrada 2/3 ng pondo ng bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW) o 10.6 billion pesos ay inilaan para sa emergency repatriation program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Aminado naman ang senador na hamak na malaki ang halaga para sa bilang ng mga Pinoy sa taiwan.
Samantala, inamin ng ospiyal na wala siyang nakikitang masama sa sinabi ni Ambassador Xilian.
Sa pamamagitan aniya nito, mapaghandaan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari at hindi na aasa na mananaig ang diplomasya at diyalogo sa pagitan ng Taiwan at China.