Mahigit sampung indibidwal ang nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw kaugnay sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Roy Mabasa, kapatid ni Lapid na kabilang dito ang mga suspek na nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) at ilang Bureau of Corrections officials.
Hindi naman nagbigay ng detalye si Mabasa ukol kay suspended BuCor chief Gerald Bantag na umano’y mastermind sa pagpatay kay Lapid.
Samantala, binigyang-diin niya na prayoridad nila ang seguridad sa kanilang pamilya dahil sa natatanggap na mga pagbabanta.
Ang higit na mas prayoridad naming ngayon ay seguridad pa rin. Alam mo bagama’t itong kasong ito ay tumatakbo ng medyo may kabilisan kaysa du’n sa ine-expect namin…but ‘yung seguridad talaga naming is primary sa lahat ng mga usapin na ito. Sapagkat habang lumapit ito lalong nagiging tense yung seguridad naming at hindi rin maganda yung natatanggap naming reports…kaya nag-iingat kami habang binabantayan naming itong kaso na ito.
Ang pahayag ni Roy Mabasa, kapatid ni Percy Lapid, sa panayam ng DWIZ