Aabot sa mahigit 10,000 ralihista ang nagtipon-tipon sa Hong Kong.
Ito ay kaugnay ng Proposed Extraditon Law kung saan pinahihintulutan ng batas na ito ang sinumang mahuhuling suspect na ipadala sa mainland China upang doon magsagawa ng pagdinig sa mga kinakaharap nitong kaso.
Ayon kay Hong Kong High Court Judge Patrick Li, lubos na nakababahala ang panukalang batas na ito dahil isa aniya itong panghihimasok sa judicial independence ng Hong Kong.
Samantala, inaasahan namang umabot pa sa 50,000 katao ang magsasagawa ng kilos protesta sa mga susunod pang araw.