Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot na sa mahigit 10.5 million Philippine Identification Cards (Phil ID) ang idineliver sa buong bansa.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General, katumbas ang nasabing bilang ng 33.7% ng target na ipamahagi ngayong taon.
Kinilala naman ni Mapa ang pagsisikap ng kanilang partner agencies at field offices na malaki ang papel sa produksyon at delivery ng Phil ID Cards sa mga registrants.
Samantala, tinututukan na rin ng PSA ang pagsasa-ayos sa kanilang PhilSys mobile application, na digital version ng Phil ID na maaaring gamitin sa public at private transactions.