Umabot na sa higit 10 milyong mga estudyante ang nakapag-enroll sa mga pampublikong paaralan sa bansa para school year 2020-2021.
Ito’y ayon sa ibinagay na ulat ng liderato ng Department of Education (DepEd) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong nito kagabi, Lunes, 15 ng Hunyo, kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Batay sa datos ng DepEd, mula aprimero ng hunyo hanggang kahapon, 15 ng Hunyo, ay nasa kabuuang 10,667,882 na ang nakapag-enroll sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Habang may kabuuang 329,656 naman ang mga estudyanteng nakapag-enroll na sa mga pribadong paaralan.
Ibig sabihin, sa kabuuang bilang sa buong bansa, nakapag-enroll na ang 11,014,839 na mga estudyante mula kindergarten hanggang grade 12 sa loob nitong dalawang linggo.
Kasunod nito, simula ngayong araw, magbubukas ang DepEd ng mga drop boxes sa mga tanggapan ng barangay at paaralan para magamit ng mga magulang pag-eenroll ng kani-kanilang mga anak.