Hindi bababa sa sampu katao ang nasawi sa South Eastern Madagascar dahil sa bagyong Batsirai.
Isa sa mga lubhang naapektuhan ng kalamidad ang Nosy Varika, kung saan 95% ng mga gusali ang napinsala.
Ayon pa sa mga awtoridad, halos 50,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo kung saan ang ilan sa mga ito ay inilipat sa mga evacuation center kung saan nananatili ang ilang mga biktima ng tropical storm ana, na nanalasa sa lugar noong nakaraang buwan.
Nangangamba naman ang ilang eksperto na mas magiging mapaminsala ang bagyong Batsirai na tumama rin sa Mozambique, Malawi at Zimbabwe.