Wala nang kontrol sa pulisya ang mahigit sa isandaang (100) alkalde at pitong (7) gobernador sa Mindanao.
Tinanggal ang police powers ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadato at dalawamput walong (28) alkalde ng Maguindanao; Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong at tatlumput pitong (37) Mayors ng lalawigan;
Lanao del Norte Governor Imelda Quibranza-Dimaporot at dalawamput dalawang (22) mayors nito; Sultan Kudarat Governor Datu Pax Pakung Mangudadatu at labing dalawang (12) mayors;
Sulu Governor Abdusakur Tan II at labing tatlong (13) alkalde; Basilan Governor Jadjiman Saliman at sampung (10) mayors ng lalawigan; Tawi-Tawi Governor Nurbert Sahali at siyam (9) na iba pa at mayor Atty. Frances Cynthia-Sayadi ng Cotabato City.
Ayon kay Vice Chairman at Executive Officer Atty. Rogelio Casurao ng NAPOLCOM o National Police Commission, may mga natukoy silang aktibidad ng mga lokal na opisyal na labag sa national security, pagbibigay ng materyal na suporta sa mga kriminal sa kanilang lugar at ang ilan ay sangkot sa illegal drugs.
By Len Aguirre | Ratsada Balita Program (Interview)