Pinalaya na ang mahigit 100 Nigerian school girls na dinukot ng Boko Haram noong nakaraang buwan.
Batay sa ulat iniwan ng mga rebelde ang 104 na mga batang babae sa Dapchi Northeast Nigeria.
Nilinaw naman ng gobyerno na hindi sila nagbayad ng ransom kapalit ng kalayaan ng mga bata.
Samantala, nabatid na may isa pang babae na nanatili sa kamay ng mga rebelde habang limang mga kababaihan na umano ang pinaslang ng grupo habang hawak pa nila ang mga ito.
—-